Masyadong nabubuklod ang kaisipan ng tao na ang salitang LOVE eh puro sarap lamang. Masyado nalason ng pantasya na nakikita kung saan saan, isang love story sa libro, isang magandang love story at marami pang iba. Masyado silang naging mainipin dahil sa mga palabas na mabibilis ang kwento.
Kung iisipin nga naman kasi kapag nakalagay sa palabas na after 3 months, after 1 year eh napakadaling isipin. Pero kung sa tunay na buhay yung isang buwan eh sobrang tagal na. Eh ano yung nangyari sa loob nung 1 year na yun? Malay mo yung kwento nasa magandang istorya at hindi na lang pinakita yung iba sa loob nung isang taon na yun?
Ang pagmamahal hindi puro sarap yan, kailangan ito ng pagsasakripisyo na dalawang matapang na tao lang ang makakagawa. Yung dalawang tao na matapang na pinasok ang relasyon, yung dalawang tao na nag tiwala sa isat-isa. Yung relasyon na may basbas ng tiwala sa isat-isa.
Magising na tayo sa katotohanan na sobrang saya magmahal, na hindi masarap mag-isa, na darating ang araw na kailangan talaga natin ng kasama. Maaring hindi ka pa ngayon handa, pero dapat hindi mo sinasabi sa sarili mo na ayaw mo muna magmahal.